BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Sabado, Setyembre 1, 2012

Wikang Ingles o Wikang Filipino?


        Baka isa sa mga kataungang lalabas bukas ay ang tanong na ito. "Alin ang mas mahalaga? Wikang Ingles o Wikang Filipino?"
        Ako po'y malugod na bumabati ng magandang hapon sa lahat ng aking tagapakinig. Marahil alam niyo na kung bakit andito ako sa inyong harapan. Ito'y upang ilahad ang aking talumpati ukol sa ano ang mas mahalaga, wikang ingles o wikang filipino?
        Sa palagay ko hindi naman dapat na ikinukumpara, pinaghahambing at pinagpipilian ng kung ano ang mas mahalaga sa dalawang wika. Ang wikang Filipino ay ang sarili nating wika. Bawat isa sa atin ay may tungkulin na dapat natin itong gamitin, pahalagahan at linangin hindi lamang sa buwan ng wika kundi dapat araw-arawin. Hinding-hindi ito natin dapat ikahiya bagama't sumisimbolo ito ng kaluluwa ng ating bansa at dahil dito tayo ay nagbubuklod-buklod upang magka-isa. Ang wikang Ingles naman ay kailangan ng bawat Pilipino lalong-lalo na kapag may taga-ibang bansa tayong nasasalamuha at nakaka-usap. Hindi naman ata dapat na kapag kinakausap ka sa wikang Ingles eh sasagutin mo sa wikang Filipino? Siguradong hindi kayo magkakaintindihan. Ang wikang Ingles ay kailangan lalong-lalo na sa pagpapalawak ng ating kaalaman. Ang pag-aaral sa ibang wika ay hindi masama kung mas unang lilinangin ang ating sariling wika.
        Tagubilin ko sa lahat ng aking tagapakinig,nararapat lang na bigyan ng parehong halaga ang dalawang wika dahil pareho itong kailangan natin. Ngunit dapat muna nating linangin ang sariling wika bago ang wikang banyaga. Maraming salamat at magadang hapon. :) 


Bakit mahalaga ang ating wika?


      Nasubukan niyo na bang gamitin ang mga jejemon at bekemon na patok na patok kamakailan lang? Yung mga "eow pho, usta na u? d2 na me. nu gawa u? eh kac diq lams ean". Yung mga ganun? Naku ha? Inaamin ko, naging isa din ako sa mga tagahanga sa mga kalokohang yan. Ngunit aking napagtanto na mali pala yun. Paano nalang kaya kung nagpatuloy ang mga kalokohang yun? Kumalat sa buong bansa? Ano kaya sa tingin niyo ang mangyayari? Siguradong hindi magkakaintindihan at magkakaunawaan ang mga tao at ang mas masahol pa ay walang pagkaka-isa at maaaring magkagulo ang bawat Pilipino.

     Gaano nga ba kahalaga ang wika ng ating bansa? Ang wika ang siyang sumasalamin sa ating bansa at ang kaluluwa ng ating lipunan. Ang isang bansang may sariling wika na patuloy na nililinang ng mga mamamayan ay isang bansang matatag. Ang pagkakaroon ng wika ay ang pagkakaroon ng kapangyarihan, tibay at lakas ng ating bansa. 

      Sabi ng iilan, mas mahalaga daw ang wikang Ingles kaysa wikang Filipino. Ngunit, para sa akin mas mahalaga pa rin ang wikang Filipino. Kadalasan sa mga mauunlad na bansa ngayon ay mga bansang hindi bihisa sa wikang Ingles? Masasabi ko lamang ay hindi basehan ang pagiging bihisa sa wikang banyaga upang magkaroon ng matatag at maunlad na bansa.

     Kaya tagubilin ko sa lahat ng mga kapwa ko Pilipino ang kasabihan ni Dr. Jose Rizal, "ang hindi magmahal sa sariling wika ay masahol pa sa hayop at malansang isda". Kaya dapat lang natin itong gamitin ng maayos, mahalin ng buong-buo at galangin ng tunay. Maraming salamat. :)

Linggo, Agosto 12, 2012

Paglinis sa buo nating pagkatao.


        “Happy Birthday to you, Happy Birthday to you, Happy Birthday, Happy Birthday, Happy Birthday to you, Happy Birthday to you.” Ayun sa eskperto kapag kinanta natin ito ng dalawang beses habang naghuhugas tayo ng ating mga kamay halos daw lahat ng germs sa ating kamay ay matanggal at mawawala.
            Ayun sa Bibliya, sa panahon sa Old Testaments yung mga tao daw ay nag-aalay ng hayop sa Panginoon bilang kabayaraan sa kanilang mga kasalanan. Nagkakatay sila ng hayop at ina-aalay sa Panginoon para sila daw ay patawarin. Pero hindi naman matatanggal o mawawala ang mga kasalanan na naggawa natin sa pamamagitan ng dugo ng mga hayop kundi ang dugo lamang ni Jesus Christ ang makakatanggal at makakawala sa mga kasalanan natin.

                Hindi na kailangan ng alay para mapatawad tayo ni God dahil nagsakripisyo na si Jesus Christ sa cross para sa lahat ng tao. Hindi ito katulad ng hayop na inaalay pa ulit-ulit. Hindi ito katulad ng dugo ng hayop na hindi makakatanggal ng kasalanan ng buong mundo kundi makakapa-alala lamang ito sa ating mga kasalanan.

            Mapapatawad lang tayo sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ni Jesus Christ. Ang kailangan lang nating gawin ay manalig at magtiwala sa nag-iisang Diyos na si Jesus Christ.

(I translated this from Bisaya to Tagalog. This is from the book “Atong Kalan-on sa Adlaw-adlaw”, and I think that book is translated from English to Bisaya, that’s why. J) The original book is “Our Daily Bread”. The writer is Cindy Hess Kasper. Thanks to them! J )

“KORUPSYON”


            Isa sa mga lumalala at napakahirap lutasin na problema ng bansa ay ang korupsyon. Ito na ata ang sakit ng lipunan na walang lunas.  Isa ito sa napakaraniwang salita na naririnig natin sa bawat sulok ng mundo, sa lugar ng buhay at sa lahat ng tao sa daigdig.
            Kapag narinig natin ang salitang korupsyon, pulitika agad ang naiisip natin. Mga pulitiko agad ang mga naiisip nating bida sa mga ganito. Pero sa totoo hindi lang sila ang sangkot dito. Sa inyong tahanan, paaralan, at opisina talagang nabubuhay ang korupsyon. Pagnanakaw ng isang piso ng barya sa bulsa ng iyong ama, pagdaraya sa iyong guro sa panahon ng pagsusulit at hindi paggawa ng iyong mga responsibilidad ng mabuti sa iyong opisina ngunit kumikita ka parin ng kumpletong suweldo ay ang mga napaka-karaniwang halimbawa.
            Ngunit bakit ang tao ay nasasangkot sa korupsyon? Iilan sa maraming dahilan ay dahil ito ay paraan upang makuha o makamit ang kanilang ninanais, magkaroon ng desenteng buhay, at ang kasakiman sa pera at posisyon. Ngunit hindi ba nila nalalaman na dahil sa ginawa nila may nagdudusa. Nagiging masaya nga sila, pero may nasasaktan at nalulungkot din. Maraming mga tao ay labis na naghihirap ngunit ang mga namumuno sa pulitika ay nagpapakasaya sa pinto ng mundo ng kasiyahan at kapangyarihan. Pagiging makasarili ang ugat ng lahat na ito.
            Ang korupsyon ay nabubuhay nuon, nabubuhay ngayon at maaaring  magpatuloy sa susunod na panahon kung tayong mga nasa bagong henerasyon ay hindi gagawa ng paraan upang masugpo ito. Sabi nga ni Dr. Jose Rizal na ang Kabataan ang Pag-asa ng Bayan, kung hindi naggawa ng mga naunang henerasyon ito dapat na natin simulan ngayon. Maghihintay pa ba tayo sa kataas-taasan na sila mismo ang hindi tumutupad? Gumawa na tayo ng aksyon at labanan ang korupsyon.