Baka isa sa mga
kataungang lalabas bukas ay ang tanong na ito. "Alin ang mas mahalaga?
Wikang Ingles o Wikang Filipino?"
Ako po'y malugod na bumabati ng
magandang hapon sa lahat ng aking tagapakinig. Marahil alam niyo na kung bakit
andito ako sa inyong harapan. Ito'y upang ilahad ang aking talumpati ukol sa
ano ang mas mahalaga, wikang ingles o wikang filipino?
Sa palagay ko hindi naman dapat na
ikinukumpara, pinaghahambing at pinagpipilian ng kung ano ang mas mahalaga sa
dalawang wika. Ang wikang Filipino ay ang sarili nating wika. Bawat isa sa atin
ay may tungkulin na dapat natin itong gamitin, pahalagahan at linangin hindi
lamang sa buwan ng wika kundi dapat araw-arawin. Hinding-hindi ito natin dapat
ikahiya bagama't sumisimbolo ito ng kaluluwa ng ating bansa at dahil dito tayo
ay nagbubuklod-buklod upang magka-isa. Ang wikang Ingles naman ay kailangan ng
bawat Pilipino lalong-lalo na kapag may taga-ibang bansa tayong nasasalamuha at
nakaka-usap. Hindi naman ata dapat na kapag kinakausap ka sa wikang Ingles eh
sasagutin mo sa wikang Filipino? Siguradong hindi kayo magkakaintindihan. Ang
wikang Ingles ay kailangan lalong-lalo na sa pagpapalawak ng ating
kaalaman. Ang pag-aaral sa ibang wika ay hindi masama kung mas unang
lilinangin ang ating sariling wika.
Tagubilin ko sa lahat ng aking
tagapakinig,nararapat lang na bigyan ng parehong halaga ang dalawang wika dahil
pareho itong kailangan natin. Ngunit dapat muna nating linangin ang sariling
wika bago ang wikang banyaga. Maraming salamat at magadang hapon. :)